Alam mo ba yung pakiramdam na tinalikuran mo na ang nakaraang akala mong bubuo sa pagkatao mo pero walang nagyari? At tapos umalis ka na sa landas niya para hindi na makasagabal pa sa buhay na meron siya. Kaya naghanap ka ng iba. Ibang tao na bubuo sa pagkatao mo. At sa pagkakataong nagiging maayos na ang lahat sa panibago ay babalik ang nakaraan sa hindi malamang dahilan. At sa kung ano pa mang dahilan meron ang nakaraan ay minimithi mong sana iyon na ang ninanais mo noong dati pa, ang kanyang pagmamahal. Hindi bilang kapalit ng pagmamahal mo sa kanya kung di dahil mahal na niya rin ikaw.
Minimithi. Tinatangis. Minamahal.
Ang nakaraan o ang panibago?
----
Hanggang ngayon, hindi ko pa din alam ang gusto ng puso ko. At sana pag nakita ko na iyon, hindi na ko muling masaktan pa.
Sa nakaraang alam mo kung sino ang sarili mo, alam mong minahal at mahal pa rin kita. Hindi ko na nga lang masabi dahil inaamin ko malayo na ako sa iyo at sa tingin ko ay napalayo na rin ikaw sa akin. Kung may pagkakataon man ay sana malasing na ako ng hindi ka nalalasing at masabi sa iyo iyon ulit ng hindi bumabagsak ang eroplanong pinapalipad ng piloto.
Sa panibagong hindi ko alam kung alam mo kung sino ang sarili mo, aaminin kong nasa parte pa lang ako na nagustuhan kita... sa hindi malamang dahilan. Pero pangako, hindi ka isang panakip butas.

0 comments:
Post a Comment